GORGY RULA
Umabot ng 31 finished films ang na-submit sa MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) para sa 50th Metro Manila Film Festival.
Na-confirm namin sa ilang producers na tapos na tapos ang pelikulang na-submit nila, at nagsisimula na ngayong manood ang nasa screening committee. May schedule na ang mga pelikulang ii-screen nila.
Pero totoo kayang may ilang rough cut lang ang na-submit dahil hindi pa talaga natapos nang husto ang mga iyon? Matatagalan pa iyon sa post-production.
Nilinaw naman sa amin ng nasa executive committee ng MMFF na tinatanggap nila ito. As long as nabuo naman ang kuwento, kino-consider nila ito.
Read: Paano pinili ang 16 stars na tampok sa pilot MMFF mural painting?
UNFINISHED FILMS STILL ELIGIBLE FOR MMFF?
Nung nakaraang taon, narinig naming hindi pa raw talaga tapos angMallari nang isinumite nila ito. May ilang shooting days pa raw silang tinapos pagkatapos mapili ng screening committee.
Pero itinanggi ito ng producer nang tinanong namin nung nakaraang taon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Maganda naman ang kinalabasan ng Mallari na pumangalawa sa topgrosser na Rewind.
Ang mahalaga rito ay maganda ang mga pelikulang makapasok at malaking bagay kung bankable stars ang involved. Madalas nga, ang finished films ang humahakot ng awards sa MMFF.
Abangan na lang natin ang announcement ng lima pang mapipili bago matapos ang buwang ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read: Piolo Pascual, na-challenge sa triple-character role niya sa Mallari
JERRY OLEA
Noong nakaraang taon ay 30 “finished films” ang isinumite para sa 59th MMFF. Record-holder iyon ng dami ng isinumiteng finished films, na kinabog this year with 31 aspiring entries.
Ang first batch last year na napili base sa script ay Family of Two, Kampo, Penduko at Rewind.
Sa dami raw ng magagandang aspiring entries last year, at magkakalapit ang scores ng 4th, 5th and 6th sa screening, anim ang pinili. Ginawang sampu ang entries.
Ang anim na finished films na napili last year ay GomBurZa, Firefly, Mallari, Becky & Badette, When I Met You In Tokyo, at Broken Hearts Trip.
Read: MMFF 2023 Top 10 official entries: Pinaghalu-halong romance, drama, horror, comedy, fantasy, action
Humakot ng major awards ang GomBurza at Firefly.
Lampas sa PHP1B ang kinita ng 49th MMFF in two weeks, pinakamalakas sa kasaysayan.
Read: First week ng MMFF 2023 nalampasan na ang kita ng buong MMFF 2022
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
50TH MMFF
Sa 50th edition ng MMFF, inaasam nating mas malaki ang kikitain, lalo pa’t nadagdagan ang bilang ng mga sinehan.
Nagbabalik sa MMFF ang Unkabogable Superstar na si Vice Ganda with And The Breadwinner Is..., na naka-29 shooting days, at may mga eksenang kinunan sa Taiwan.
May patikim na rin na BTS o still photos ang The Kingdom.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Si Bossing Vic Sotto ay seryosong nakaupo, nagpapakita ng bagong aura na malayo sa kanyang usual na comedic persona.
Meanwhile, sa isang kuha ni Piolo Pascual ay makikita siyang abala sa bukid, tila isang magsasakang ipinapakita ang kanyang kakaibang transformation para sa pelikulang ito. Parang sobrang intense ng role ni Papa P, ibang-iba sa kanyang mga nagampanang karakter.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ang direktor ng GomBurZa na si Pepe Diokno ang siya ring nasa likod ng Himala, Isang Musikal with Aicelle Santos and Bituin Escalante. Nakunan na ba ang cameo sana rito ng National Artist na si Nora Aunor?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ang GMA Pictures na nagprodyus ng Firefly ay meron na namang panlaban, ang Green Bones starring Dennis Trillo and Ruru Madrid, sa direksiyon ng Firefly director na si Zig Dulay.
Andiyan din ang Strange Frequences: Haunted Hospital, starring Enrique Gil, Jane de Leon, Alexa Miro, and Rob Gomez. Nagsyuting din ito sa Taiwan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read: 50th MMFF entries: comedy, drama, action, horror, at musical
Hopia tayo na makapasok sa Final 5 ang Espantaho nina Lorna Tolentino at Judy Ann Santos, sa direksiyon ni Chito Roño.
Read: Cast Reveal: Judy Ann Santos at Lorna Tolentino bida sa Espantaho
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Bet din natin ang Uninvited nina Vilma Santos, Aga Muhlach, at Nadine Lustre, sa direksyon ni Dan Villegas.
Read: Vilma Santos, nagsimula nang mag-shooting ng Uninvited
View this post on Instagram
Ang Regal ay merong Untold starring Jodi Sta. Maria, JK Labajo, Joem Bascon, and Gloria Diaz, sa direksiyon ni Derick Cabrido.
Read: First movie ni Jodi Sta. Maria sa Regal, isusumite sa MMFF 2024
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Idinadalangin din nating mapili ang makabuluhang Fatherland ni Direk Joel Lamangan kung saan tampok sina Allen Dizon, Iñigo Pascual, Cherry Pie Picache, Mercedes Cabral, Max Eigenmann, Ara Mina, at Angel Aquino.
Ang Mavx ay merong ConMom starting Kaye Abad, Patrick Garcia, Paolo Contis, Empoy Marquez, and Kit Thompson.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Exciting!!! Siguradong star-studded ang 50th MMFF, na host city ang Maynila.
NOEL FERRER
Kasalukuya nang pinapanood na ng Selection Committee ang submitted films for consideration sa golden anniversary ng MMFF.
Malaki ang pag-asa kong magaganda ang lima pang mapipiling entries. Maghintay lang tayo sa magiging desisyon ng Selection Committee.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Meanwhile, in a remarkable prelude to the much-anticipated golden celebration of the Metro Manila Film Festival (MMFF), a ceremonial contract signing took place in City of Dreams Manila, signifying an important step in the partnership between Metro Manila Film Festival (MMFF) and the Manila International Film Festival (MIFF).
As part of the programs, projects, and activities in celebration of its 50th year, the Metro Manila Film Festival named City of Dreams Manila as its Official Event Partner for the Golden Gala on November 11, 2024.
This partnership with one of the country’s premier luxury destinations underscores the importance of the occasion, promising an unforgettable evening of glamour, entertainment, and philanthropy.
The Golden Gala, hosted at City of Dreams Manila, will bring together a distinguished audience of celebrities, industry leaders, and influential personalities to honor the best of Philippine cinema, while also reinforcing its ties to the global film community.
The event brought together distinguished figures from the Metro Manila Film Festival (MMFF), the Manila International Film Festival (MIFF), and their initial group of brand and media partners.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Among the notable attendees were Chairman Romando S. Artes from the Metro Manila Development Authority (MMDA), Atty. Rochelle Macapili-Ona, Executive Director of MMFF, Ms. Charisse Chuidian, Vice President for Public Relations of City of Dreams Manila, Mr. Raul Putong, Chief Operating Officer of MIFF, Mr. Jim Baltazar, Director for CMB Film Services, along with Ms. Cherry Ann Carrera, CEO of Media Puzzle Holdings Corp., and Ms. Bing Viray, Project Director for Media Puzzle Holdings Corp.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
The MMFF 50th Golden Gala on November 11 at City of Dreams Manila promises to be more than just an event — it will be a defining moment for the industry, filled with glamour, prestige, and the power of Filipino artistry.